Wednesday, May 4, 2011

Paanyaya

Lisanin mo minsan
Ang bait na kumukubkob
Sa iyong kamalayan
Maglakad ka sa dako
Ng walang dahilan
Dahil dito ako naroroon
Dito tuloy ang pag-inog ng mundo
Malaya sa makapangyarihan
Masarap ang pusyaw ng kalayaang
Humahalik sa pisngi ng pagkatao

Makipag-ulayaw ka minsan
Sa itinuturing na baliw
Walang karanasan sa aliw
At alindog ng mundong
Mapanlinlang

Halika isayaw mo ako
Sa ilalim ng sikat ng buwan
Tawanan ang mga tala
Na nag-aanyayang mabilang
Dito sa mundo ng walang
Kapararakan
Halika, hanapin ang iyong
Kapayapaan.

No comments:

Post a Comment