Dito napadpad mga luha
Ng iyong dalamhati
Nabasa ko sa kanilang
Mga patak
Lumbay na iyong bitbit
Bakit di pawalan
Pasanin na di kailangan
Mga mata mo
Iginuhit ng Maykapal
Para humalakhak
Magsaya at matuwa
Buhay na malupit
Di kailangan
Pag-alinlanganan
Lahat may dahilan
Pati hagupit ng pait
At kalupitan ng
Magulang na di ka
Kailanman nakilala
Dito nais kong ibalik sa iyo
Suklian ang luha
Ng ngiti
Kung maipapaabot ko sa iyo
Mensahe ng mga bahaghari
Kapayapaan mula kay Bathala
Bakit hindi
Dito sa lupa
Iguguhit kong muli ang iyong
Tadhana
Makilala ka
Ibigin, ipagpugay
Dito ibubulong ko sa iyo
Di ka malilimutan kalianman.
No comments:
Post a Comment