Wednesday, September 16, 2015
Tonsorial Dream
Yeah. This is my dream hair style for the moment. I never had patience for long hair, and all the maintenance that goes with it, and all the connotations society traditionally attaches to those who wear it. This do is mohawked at the back and takes all of five minutes to style. And it is a reflection of my creative, imaginative side. The one I always tried to hide so I can fit in.
But, I wear the hair, not the other way around. I am still the dutiful, conservative, and responsible person at the core. It is just that I am also learning to acknowledge the other parts of me: the quirky, the weird, the offbeat, goofball side I never really let show.
I guess you can call this: becoming.
Engagement Anniversary
Untidy as it may be
This heart
Will never be weary
It jolts
At your nearness
The sight
Of your hair unruly
The smell of your hands
When they caress
Fish for dinner
Which beat is yours
You ask
Each and every one
And the ones in between
And the ones to come
It loves you
Beats for only you
Untidy
As this heart may be.
This heart
Will never be weary
It jolts
At your nearness
The sight
Of your hair unruly
The smell of your hands
When they caress
Fish for dinner
Which beat is yours
You ask
Each and every one
And the ones in between
And the ones to come
It loves you
Beats for only you
Untidy
As this heart may be.
Trees
At the copse
Was a tree
Whose shade was
A friend
The apples fell
To the ground
The breeze
Kissed my cheek
It was afternoon
Tea was ready
I was reading
About forgetting
How long it is
Indeed how long
Yet the forest
Never forgot
The footfalls
Of the children before me
The floor
Witness to love and strife
It whispered to me
I was there
And I wish
I always will
The trees sighed
Don't let them
Cut our lifeline
We belong here
So do the bees
Ants
Birds
Butterflies
Flowers
I remember
I'll remember
That is a promise.
Was a tree
Whose shade was
A friend
The apples fell
To the ground
The breeze
Kissed my cheek
It was afternoon
Tea was ready
I was reading
About forgetting
How long it is
Indeed how long
Yet the forest
Never forgot
The footfalls
Of the children before me
The floor
Witness to love and strife
It whispered to me
I was there
And I wish
I always will
The trees sighed
Don't let them
Cut our lifeline
We belong here
So do the bees
Ants
Birds
Butterflies
Flowers
I remember
I'll remember
That is a promise.
Tuesday, September 15, 2015
Sunday, September 13, 2015
Time
Sa
Tamang Panahon
Takipsilim na, at hindi mapakali si
Kulas. Nicolas Artemio ang kaniyang buong pangalan, isa sa pitong anak ng
mangingisda at nagtitinda ng kakanin sa simbahan tuwing araw ng Linggo.
Nakalatag na sa kabayo ang puting camisa
de chino at itim na pantalon na isusuot niya bukas upang kausapin ang ama
ni Kulasa, ang dalagang kaniyang itinangi mula sa kanilang pagkabata, ngunit
hanggang ngayo'y di pa nakakasalamuha.
Magsisimula na siya sa kaniyang panunuyo
sa pamilya ni Kulasa. Pancracia Peralta ang tunay na ngalan ng dalaga, nguni't
ang kanyang palayaw ay isinunod sa lolo ng kanyang lolo na Nicolas din ang
pangalan.
Malawak ang mga bukirin at palaisdaan
ang kaniyang lola sa ina, nguni't kapiraso na lamang ang naiwan sa kanilang
lupang sakahin dahil ang kapatid nitong naging abugado ay ipinangalan halos
lahat ng ari-arian sa sarili kahit noong nabubuhay pa ang kanilang ina.
Pinuntahan ni Kulas si Rubiong Guyabano
sa bahay ng capitan del barrio.
Tuwing gabi ng araw ng pasweldo ni Huseng Kaliwa, na maestro karpintero, ay
nagtitipon doon ang mga kabataang lalaki upang magpakalango sa lambanog. Hindi
mahilig uminom si Kulas, palibhasa'y 'ika nga niya, maliit ang kaniyang bahay
alak, at madalas sa hindi ay gumagapang siya pauwi kahit nakakatatlong tagay pa
lamang siya sa alak.
Si Rubio ang kaniyang matalik na
kaibigan. Sabay silang nag-aral sa ilalim ng puno ng mangga sa turo ng mga
Thomasite na padala ng mga Amerikano, upang bigyan ng edukasyon ang nasakupan
nilang mga Pilipino. Halos hindi sila naapektuhan ng unang digmaang pandaigdig
nguni't sariwa pa sa alaala ng mga nakatatanda ang Rebolusyon na nagpaalis sa
mga Kastila.
"Dadagain yata ako, kaibigan. Paano
kung tanggihan ako ni Kulasa?" kinakabahan si Kulas, at ngayon lamang ito
nakita na ganito ni Rubio, na mas matanda
ng isang taon sa labinsiyam na taon niyang kaibigan.
"Humanap ng iba, pag
nagkagayon," sambit niya. Alam niyang seryoso si Kulas kay Kulasa at malamang
ay magpakatandang binata ito kung hindi tanggapin ng dalaga ang alok nito.
"Alam mo naman..." may
pangamba ang mga mata ng kaibigan.
"Oo, alam ko. Kaya nga manuyo ka,
di ba? Para malaman niya. Labmpitong taon na si Kulasa, kailangan niya ng sapat
na panahon upang lubos ka niyang makilala. Kaya magsimula ka na," payo nito.
Nagsindi sila ng tig-isang alhambra ,
naghuntahan pa sandali, at pagkaubos nito ay umuwi na sa kani-kaniyang tahanan.
Maaga pa ay naligo at nagbihis na si
Kulas. Ngayon lamang niya naipagpasalamat na malamig ang tubig sa tapayan na
sinasalukan nila ng tubig mula sa batis. Nagbabad ng gugo si Nini, ang kanilang
katulong, na siyang ipinaligo niya sa maitim niyang buhok upang kumintab ito.
Suot ang bagong damit ay nilakad niya ang tatlong purok at limang baranggay
patungo sa bukid ng mga Peralta.
Magtatanghali na nang siya ay
makarating. Nagpasabi siya sa pinsan niyang doktor na papasyal siya noong isang
buwan, at karaniwan ay alam na ng mga magulang ang pahiwatig ng binatang
dadalaw sa araw ng pamamasukan. Ang kailangan na lamang malaman ng mag-asawa ay
alin sa kanilang anim na dalaga ang panunuyuan ni Kulas.
Gaya ng gawi ng mga pamilya sa lugar na
iyon ay naghanda sila ng payak, nguni't masarap, na pananghalian upang ipakita
ang kakayanan ng kababaihan sa kusina. Tatlong putahe, lahat ay luto ng manok
sapagkat kinakatay lamang ang mga baboy sa malalaking okasyon gaya ng kasal at
binyag. Adobo, manok sa pinya, at caldereta.
May lahi silang Kapampangan kaya't masarap magluto ang mga dalagang
Peralta.
Tinanggap ni Mang Manoling si Kulas sa
sala ng kanilang bahay na tisa, na pamana ng kaniyang biyenan sa asawa. Bago
pakainin ang panauhin ay nag-usap sila tungkol sa mga plano ni Kulas para sa
kaniyang kinabukasan. Anloague siya kay Huseng Kaliwa ngunit may sapat na
siyang naipon sa tatlong taong pamamasukan upang ipanimula ng panaderia sa
bayan. Mahilig siyang magluto, at kung susuklian ng kanyang dalaga ang kaniyang
pagmamahal ay gagawin niya ang lahat sa abot ng kaniyang makakaya na bigyan ito
ng matiwasay na buhay.
"Kay Pancracia po," sagot ni
Kulas sa tanong ni Mang Manoling kung sino sa kaniyang mga dalaga ang kaniyang
panunuyuan.
Tumango si Mang Manoling at natahimik sandali.
Pangatlo sa siyam na magkakapatid ang dalaga. Hindi maganda, kung ang
pagbabatayan ay ang ang kinahuhumalingang mestiza ng mga kabataan ngayon.
Morena at medyo singkit ang mga mata at mukhang kayang-kayang ibuwal ng
mahinang bagyo. Nguni't mukhang bagay ang malumanay na disposisyon ng binata sa
matapang niyang anak. Tumango siyang muli.
"Tutuloy ka sa kumpare kong si
Ibon habang nanunuyo ka. Si Kulasa
lamang ang magpapasya kung tatanggapin ka niya o hindi. At kailangan igalang mo
ang kaniyang pasiya, malinaw?" Nguni't siya'y nakangiti.
Nagkamay ang dalawang lalaki at
kapagdaka'y lumipat sa comedor upang
pagsaluhan ang pananghalian.
Matapos niyang isaayos ang mga gamit
dalawang linggo ang nakalipas ay nakituloy si Kulas sa matandang binatang si
Ibon upang di na siya maglakbay nang malayo habang siya ay nanunuyo.
Lahat ng trabahong bukid ay sinabak
niya. Nagkikita sila ni Mang Manoling sa tulay sa sapa tuwing alas cuatro ng
madaling araw at naglalakad hanggang ika-lima ng umaga sa bukid. Maraming gawain
doon. Pagtatanim ng binhi, pag-aararo, pag-aayos ng mga patubigan. Tuwing
tanghali ay bitbit ng tatlong nakatatandang dalagang Peralta ang kanilang
pagkain. Minsan ay tumutulong sa paggapas si Kulasa, nguni't pinagbawalan ni
Mang Manoling si Kulas na kausapin ito.
Tuwing Pasko ay pumupunta sa bayan si
Kulas at bumibili ng maliit na regalo para sa kaniyang pinakamamahal. Napuna
niyang mahilig itong magbasa kaya't aklat ang kaniyang binibili. Ngunit ni wala
siyang lakas ng loob na ipakiabot ang mga ito kay Mang Manoling sa anak. Baka
sabihin ay presko at nanunuhol siya. Ibibigay ko na lamang ang mga ito sa araw
ng aming kasal, pangako niya sa sarili. At siya'y nangingiti tuwing ito ay
sumasagi sa kaniyang isip.
Lumipas ang walong taon na halos hindi
namalayan ni Kulas. Unti-unti ay nadama niyang nagiging bahagi na siya ng
pamilya Peralta. Kulas kung siya'y tawagin na ni Aling Uling at hindi na ito
nangingiming utusan siya at magpakumpuni ng mga sirang gamit sa bahay na tisa.
Ang mga batang anak ay nagpapagawa sa kaniya ng mga trumpo at sipa. Bago
magtag-ulan ay kusa na niyang iniinspiksyon ang bubong ng bahay at tinatapalan
upang di mabasa ang mga nakatira dito.
Isang bukang liwayway ay nagsisibak ng
kahoy na panggatong sa lutuan si Kulas. Tag-init noon at malapit na ang
piyesta. Umunat siya at kumuha ng inumin sa banga. Pagbaling niya muli sa
trabaho ay nakita niya si Kulasa, nakatingin sa kaniya at nakangiti. Nagtagpo
ang kanilang mga mata. Tumingin siya sa manok at nanalangin sa Poong Sto. NiƱo
na sana ay di nahalata ng dalaga ang pamumula ng kaniyang pisngi. Kumakabog ang
dibdib niya. Uminom uli siya at iniwan ang pagsisibak ng kahoy.
O Diyos na mahabagin! Paano kung
nahalata ni Kulasa na siya ang dalagang itinatangi? Ano ang iisipin niya? Dapat
nga bang nanuyo na ako? Baka tanggihan niya ako!
Lumilipad na ang isip ni Kulas at nang
araw na iyon ay kinausap lamang niya si Islaw, ang kalabaw ni Mang Manoling na
kasama niya sa pag-aararo. Pilit niyang sinusuri ang pahiwatig ng ngiti ni
Kulasa. Sa tanda niya ay hindi ito tulad ng ngiti ng pagkatuwa kay Akla, ang
binabaeng anak ng gobernador na mahilig magtapis at kumendeng habang naglalakad
patungo sa sapa upang maligo. Hindi ito ang ngiti ng panunuya na lumilitaw
tuwing dumarayo ang mga kaibigang taga-Maynila ng kaniyang Kaka na nag-aaral sa
pamantasan. Ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon?
Kinagabihan ay nagpaalam si Kulas kay
Mang Manoling na sasaglit sa bisita upang kausapin si Pari Vera. Kailangan
lamang niyang may makausap at nag-aalinlangan siya kung siya'y nagkasala sa
pagtingin kay Kulasa. Pumayag si Mang Manoling ngunit mahigpit na pinagbilinang
bumalik agad dahil may ipagagawa ito sa kanya bukas nang madaling araw.
Hindi na napansin ni Kulas na kakaiba
ang utos na ito ni Mang Manoling. Karaniwan ay pinababayaan siya nito tuwing
gabi ng Sabado at ang tanging paalala sa kaniya ay huwag kalimutang sumimba
kinabukasan.
Maagang nagising si Kulas. Balisa pa rin
siya kaya't mababaw ang kaniyang tulog. Nagpabango siya upang di mahalata ang
amoy ng tatlong alhambra na naubos na niya sa sobrang nerbiyos. Nagbihis ng
puting polo at khaki na pantalon. Sinuot niya ang itim na sapatos na iniskoba
niya bago matulog. Ito lahat ay bilin ni Mang Manoling, na ipinaabot sa kaniya ng
kanilang katiwalang si Istik.
"Ah, anak. Halika. Sumama ka na sa
aming magsimba," Nakangiti si Mang Manoling nang makita siya.
Anak? Tama ba ang dinig ko? Nahilo si
Kulas at ang huli niyang naalala bago mawalan ng malay ay umiikot ang paligid.
Pinapaypayan siya ni Istik nang bumalik
ang kaniyang huwisyo. Nagkakagulo ang kabahayan.
"Ayos ka lang?" hanggang bago
siya bawian ng buhay ay maalala ni Kulas ang tamis ng ngiti ni Kulasa habang
binibigkas ang unang mga kataga ng kanilang unang pag-uusap.
Tumango si Kulas at bumangon sa
pagkakahiga sa papag. Nasa silid siya ng mga lalaking Peralta.
Matapos ang anim na buwan ay nagkatay ng
tatlong baboy si Mang Manoling.
Subscribe to:
Comments (Atom)


