Tuesday, December 29, 2015

pre-New Year Hijinks

The past year has been interesting, to say the least. A lot, most of which is good, has happened. It was a test of patience in places, a test of strength in some, and a test of will in most.

I will perhaps remember 2015 when it is long past, as the year when I began to recognise how much power I have over my life, as I recovered full throttle, from my long bout with mental illness.

It was a year of blessings, too. I was blessed with clarity, as I began to separate the wheat from the chaff in my life, learned my priorities, and became a little bolder in going after my heart's desires.

And always, as has been my wont, I recognise that I would not have accomplished the things I did, without the guidance and protection of God, on whom I lean when I am weak, my constant source of strength and inspiration, and an Infinite well of Love.

As midnight heralds 2016, my wish for everyone is that we rise above the din of life, find that quiet space in our hearts, open it to God, and welcome our neighbours who need us most in it. For, as the revered genius Albert Einstein put it, only a life lived for others is a life worth living.

Namaste.

Wednesday, December 9, 2015

The Promise





































A montage I laid out, printed and framed to give as a gift to friends. A favourite passage of mine. Never fails to lift my spirits.

bonifacio|bonifacio

took a photo walk on Bonifacio Day in Bonifacio High Street. This was taken in the optical shop while I was waiting to get my new contact lenses. I love the place. Apart from being photogenic, it is dynamic. It is never the same place twice. And I admit I have a bias for it because well, I feel like I am among friends whenever I visit. It was a lovely Monday morning when I went there, after dropping by the hospital where I work. Most memorable during this visit were the remnants of decorations that festooned the place for an event. It felt like eavesdropping on someone's home after a party. It wasn't messy or anything, but you could still feel the reverberations of the positive energy that must have enveloped the place in the previous days. And the Christmas tableaus were about. It was heartening to feel the anticipation for such a special day, especially for families!

Yuletide 2015

I had a good run this year, I have so many things to thank God for. Since I am a certified Christmas Freak, my only prayer for the Savior's Birthday is that we welcome Him into our hearts and let Him rule our lives. May we learn to surrender our will to the Author of Life, that we may realise his plans to prosper us ad give us hope and a future, and not bring us to harm, as was promised to us through the Prophet Jeremiah. Know that I always send up a prayer for those who need it. May we all know Peace this Season and throughout the coming year. God bless y'all!

Wednesday, September 16, 2015

Tonsorial Dream






































Yeah. This is my dream hair style for the moment. I never had patience for long hair, and all the maintenance that goes with it, and all the connotations society traditionally attaches to those who wear it. This do is mohawked at the back and takes all of five minutes to style. And it is a reflection of my creative, imaginative side. The one I always tried to hide so I can fit in.

But, I wear the hair, not the other way around. I am still the dutiful, conservative, and responsible person at the core. It is just that I am also learning to acknowledge the other parts of me: the quirky, the weird, the offbeat, goofball side I never really let show.

I guess you can call this: becoming.


but this is way more fun!


Engagement Anniversary

Untidy as it may be
This heart
Will never be weary
It jolts
At your nearness
The sight
Of your hair unruly
The smell of your hands
When they caress
Fish for dinner
Which beat is yours
You ask
Each and every one
And the ones in between
And the ones to come
It loves you
Beats for only you
Untidy
As this heart may be.

I wanted bangs


Trees

At the copse
Was a tree
Whose shade was
A friend
The apples fell
To the ground
The breeze
Kissed my cheek
It was afternoon
Tea was ready
I was reading
About forgetting
How long it is
Indeed how long
Yet the forest
Never forgot
The footfalls
Of the children before me
The floor
Witness to love and strife
It whispered to me
I was there
And I wish
I always will
The trees sighed
Don't let them
Cut our lifeline
We belong here
So do the bees
Ants
Birds
Butterflies
Flowers
I remember
I'll remember
That is a promise.

Sunday, September 13, 2015

Time



Sa Tamang Panahon

Takipsilim na, at hindi mapakali si Kulas. Nicolas Artemio ang kaniyang buong pangalan, isa sa pitong anak ng mangingisda at nagtitinda ng kakanin sa simbahan tuwing araw ng Linggo. Nakalatag na sa kabayo ang puting camisa de chino at itim na pantalon na isusuot niya bukas upang kausapin ang ama ni Kulasa, ang dalagang kaniyang itinangi mula sa kanilang pagkabata, ngunit hanggang ngayo'y di pa nakakasalamuha.

Magsisimula na siya sa kaniyang panunuyo sa pamilya ni Kulasa. Pancracia Peralta ang tunay na ngalan ng dalaga, nguni't ang kanyang palayaw ay isinunod sa lolo ng kanyang lolo na Nicolas din ang pangalan. 
Malawak ang mga bukirin at palaisdaan ang kaniyang lola sa ina, nguni't kapiraso na lamang ang naiwan sa kanilang lupang sakahin dahil ang kapatid nitong naging abugado ay ipinangalan halos lahat ng ari-arian sa sarili kahit noong nabubuhay pa ang kanilang ina.

Pinuntahan ni Kulas si Rubiong Guyabano sa bahay ng capitan del barrio. Tuwing gabi ng araw ng pasweldo ni Huseng Kaliwa, na maestro karpintero, ay nagtitipon doon ang mga kabataang lalaki upang magpakalango sa lambanog. Hindi mahilig uminom si Kulas, palibhasa'y 'ika nga niya, maliit ang kaniyang bahay alak, at madalas sa hindi ay gumagapang siya pauwi kahit nakakatatlong tagay pa lamang siya sa alak.

Si Rubio ang kaniyang matalik na kaibigan. Sabay silang nag-aral sa ilalim ng puno ng mangga sa turo ng mga Thomasite na padala ng mga Amerikano, upang bigyan ng edukasyon ang nasakupan nilang mga Pilipino. Halos hindi sila naapektuhan ng unang digmaang pandaigdig nguni't sariwa pa sa alaala ng mga nakatatanda ang Rebolusyon na nagpaalis sa mga Kastila.

"Dadagain yata ako, kaibigan. Paano kung tanggihan ako ni Kulasa?" kinakabahan si Kulas, at ngayon lamang ito nakita na ganito ni Rubio, na mas matanda  ng isang taon sa labinsiyam na taon niyang kaibigan.

"Humanap ng iba, pag nagkagayon," sambit niya. Alam niyang seryoso si Kulas kay Kulasa at malamang ay magpakatandang binata ito kung hindi tanggapin ng dalaga ang alok nito.

"Alam mo naman..." may pangamba ang mga mata ng kaibigan.

"Oo, alam ko. Kaya nga manuyo ka, di ba? Para malaman niya. Labmpitong taon na si Kulasa, kailangan niya ng sapat na panahon upang lubos ka niyang makilala. Kaya magsimula ka na,"  payo nito.

Nagsindi sila ng tig-isang alhambra , naghuntahan pa sandali, at pagkaubos nito ay umuwi na sa kani-kaniyang tahanan.

Maaga pa ay naligo at nagbihis na si Kulas. Ngayon lamang niya naipagpasalamat na malamig ang tubig sa tapayan na sinasalukan nila ng tubig mula sa batis. Nagbabad ng gugo si Nini, ang kanilang katulong, na siyang ipinaligo niya sa maitim niyang buhok upang kumintab ito. Suot ang bagong damit ay nilakad niya ang tatlong purok at limang baranggay patungo sa bukid ng mga Peralta.

Magtatanghali na nang siya ay makarating. Nagpasabi siya sa pinsan niyang doktor na papasyal siya noong isang buwan, at karaniwan ay alam na ng mga magulang ang pahiwatig ng binatang dadalaw sa araw ng pamamasukan. Ang kailangan na lamang malaman ng mag-asawa ay alin sa kanilang anim na dalaga ang panunuyuan ni Kulas.

Gaya ng gawi ng mga pamilya sa lugar na iyon ay naghanda sila ng payak, nguni't masarap, na pananghalian upang ipakita ang kakayanan ng kababaihan sa kusina. Tatlong putahe, lahat ay luto ng manok sapagkat kinakatay lamang ang mga baboy sa malalaking okasyon gaya ng kasal at binyag. Adobo, manok sa pinya, at caldereta. May lahi silang Kapampangan kaya't masarap magluto ang mga dalagang Peralta. 

Tinanggap ni Mang Manoling si Kulas sa sala ng kanilang bahay na tisa, na pamana ng kaniyang biyenan sa asawa. Bago pakainin ang panauhin ay nag-usap sila tungkol sa mga plano ni Kulas para sa kaniyang kinabukasan. Anloague siya kay Huseng Kaliwa ngunit may sapat na siyang naipon sa tatlong taong pamamasukan upang ipanimula ng panaderia sa bayan. Mahilig siyang magluto, at kung susuklian ng kanyang dalaga ang kaniyang pagmamahal ay gagawin niya ang lahat sa abot ng kaniyang makakaya na bigyan ito ng matiwasay na buhay.

"Kay Pancracia po," sagot ni Kulas sa tanong ni Mang Manoling kung sino sa kaniyang mga dalaga ang kaniyang panunuyuan.

Tumango si Mang Manoling at natahimik sandali. Pangatlo sa siyam na magkakapatid ang dalaga. Hindi maganda, kung ang pagbabatayan ay ang ang kinahuhumalingang mestiza ng mga kabataan ngayon. Morena at medyo singkit ang mga mata at mukhang kayang-kayang ibuwal ng mahinang bagyo. Nguni't mukhang bagay ang malumanay na disposisyon ng binata sa matapang niyang anak. Tumango siyang muli.

"Tutuloy ka sa kumpare kong si Ibon  habang nanunuyo ka. Si Kulasa lamang ang magpapasya kung tatanggapin ka niya o hindi. At kailangan igalang mo ang kaniyang pasiya, malinaw?" Nguni't siya'y nakangiti.
Nagkamay ang dalawang lalaki at kapagdaka'y lumipat sa comedor upang pagsaluhan ang pananghalian.
Matapos niyang isaayos ang mga gamit dalawang linggo ang nakalipas ay nakituloy si Kulas sa matandang binatang si Ibon upang di na siya maglakbay nang malayo habang siya ay nanunuyo.

Lahat ng trabahong bukid ay sinabak niya. Nagkikita sila ni Mang Manoling sa tulay sa sapa tuwing alas cuatro ng madaling araw at naglalakad hanggang ika-lima ng umaga sa bukid. Maraming gawain doon. Pagtatanim ng binhi, pag-aararo, pag-aayos ng mga patubigan. Tuwing tanghali ay bitbit ng tatlong nakatatandang dalagang Peralta ang kanilang pagkain. Minsan ay tumutulong sa paggapas si Kulasa, nguni't pinagbawalan ni Mang Manoling si Kulas na kausapin ito.

Tuwing Pasko ay pumupunta sa bayan si Kulas at bumibili ng maliit na regalo para sa kaniyang pinakamamahal. Napuna niyang mahilig itong magbasa kaya't aklat ang kaniyang binibili. Ngunit ni wala siyang lakas ng loob na ipakiabot ang mga ito kay Mang Manoling sa anak. Baka sabihin ay presko at nanunuhol siya. Ibibigay ko na lamang ang mga ito sa araw ng aming kasal, pangako niya sa sarili. At siya'y nangingiti tuwing ito ay sumasagi sa kaniyang isip.

Lumipas ang walong taon na halos hindi namalayan ni Kulas. Unti-unti ay nadama niyang nagiging bahagi na siya ng pamilya Peralta. Kulas kung siya'y tawagin na ni Aling Uling at hindi na ito nangingiming utusan siya at magpakumpuni ng mga sirang gamit sa bahay na tisa. Ang mga batang anak ay nagpapagawa sa kaniya ng mga trumpo at sipa. Bago magtag-ulan ay kusa na niyang iniinspiksyon ang bubong ng bahay at tinatapalan upang di mabasa ang mga nakatira dito.

Isang bukang liwayway ay nagsisibak ng kahoy na panggatong sa lutuan si Kulas. Tag-init noon at malapit na ang piyesta. Umunat siya at kumuha ng inumin sa banga. Pagbaling niya muli sa trabaho ay nakita niya si Kulasa, nakatingin sa kaniya at nakangiti. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Tumingin siya sa manok at nanalangin sa Poong Sto. Niño na sana ay di nahalata ng dalaga ang pamumula ng kaniyang pisngi. Kumakabog ang dibdib niya. Uminom uli siya at iniwan ang pagsisibak ng kahoy.

O Diyos na mahabagin! Paano kung nahalata ni Kulasa na siya ang dalagang itinatangi? Ano ang iisipin niya? Dapat nga bang nanuyo na ako? Baka tanggihan niya ako!

Lumilipad na ang isip ni Kulas at nang araw na iyon ay kinausap lamang niya si Islaw, ang kalabaw ni Mang Manoling na kasama niya sa pag-aararo. Pilit niyang sinusuri ang pahiwatig ng ngiti ni Kulasa. Sa tanda niya ay hindi ito tulad ng ngiti ng pagkatuwa kay Akla, ang binabaeng anak ng gobernador na mahilig magtapis at kumendeng habang naglalakad patungo sa sapa upang maligo. Hindi ito ang ngiti ng panunuya na lumilitaw tuwing dumarayo ang mga kaibigang taga-Maynila ng kaniyang Kaka na nag-aaral sa pamantasan. Ano ang ibig sabihin ng ngiting iyon?

Kinagabihan ay nagpaalam si Kulas kay Mang Manoling na sasaglit sa bisita upang kausapin si Pari Vera. Kailangan lamang niyang may makausap at nag-aalinlangan siya kung siya'y nagkasala sa pagtingin kay Kulasa. Pumayag si Mang Manoling ngunit mahigpit na pinagbilinang bumalik agad dahil may ipagagawa ito sa kanya bukas nang madaling araw.

Hindi na napansin ni Kulas na kakaiba ang utos na ito ni Mang Manoling. Karaniwan ay pinababayaan siya nito tuwing gabi ng Sabado at ang tanging paalala sa kaniya ay huwag kalimutang sumimba kinabukasan.
Maagang nagising si Kulas. Balisa pa rin siya kaya't mababaw ang kaniyang tulog. Nagpabango siya upang di mahalata ang amoy ng tatlong alhambra na naubos na niya sa sobrang nerbiyos. Nagbihis ng puting polo at khaki na pantalon. Sinuot niya ang itim na sapatos na iniskoba niya bago matulog. Ito lahat ay bilin ni Mang Manoling, na ipinaabot sa kaniya ng kanilang katiwalang si Istik. 

"Ah, anak. Halika. Sumama ka na sa aming magsimba," Nakangiti si Mang Manoling nang makita siya.
Anak? Tama ba ang dinig ko? Nahilo si Kulas at ang huli niyang naalala bago mawalan ng malay ay umiikot ang paligid.

Pinapaypayan siya ni Istik nang bumalik ang kaniyang huwisyo. Nagkakagulo ang kabahayan.

"Ayos ka lang?" hanggang bago siya bawian ng buhay ay maalala ni Kulas ang tamis ng ngiti ni Kulasa habang binibigkas ang unang mga kataga ng kanilang unang pag-uusap.

Tumango si Kulas at bumangon sa pagkakahiga sa papag. Nasa silid siya ng mga lalaking Peralta.

Matapos ang anim na buwan ay nagkatay ng tatlong baboy si Mang Manoling.

Tuesday, May 5, 2015

/symmetry/




He stood there, leaning against his car. 
She smiled as she saw him. 
She brought flowers. 
He brought a picnic.

Mercurial




 
I.
No, it’s not just
My winged feet
That the god gave me
It’s the silver poison
That eats at my soul
One minute
Hot
The other
Cold
Heart exhausted
By the swings
In this
Playground.

II.
Sand travels
Lightning fast
Beneath the waves
Crushed
Shells
Break the skin
Of the extreme
Terpsichore
Thespian
Run
Use them
Like the chords
Angels’ harps
In the throat.