Nawawala
Kung poot ang aking poon
Kung ako ay maligaw
Tahanan di na matanaw
Bakit kailangan pang lumingon
Sa pait ng panahong
Di na pinapalipas
Ang lunas sa mga sugat
Na natamo sa sandaang sandaling
Digmaan sa pagitan mo at ni Satanas
Bakit titingnan ang nakaraang
Binahiran ng pagkutya
At paglibak sa hitsura ng
Kabusilakan.
Kun poot ang aking poon
Ako ay maglalayag
Papalayo sa pulo na nalunod
Ng kalawakan ng pait
Hahanapin ko ang diyos
Na nangangasiwa sa mga himpilan
Ng mga kaluluwang nawawala
Pagkat ako’y nawawala
Naligaw
Tahana’y di matanaw
Hindi poot ang aking poon
Sumasamba sa busilak na Paginoon
Lumilingon sa mga nag-ambag
Sa aking pagkatao
Hindi poot ang aking poon
Nawawala itong kaluluwa
Na humimpil sa pier
Ng kawalang pag-asa
Hindi ko kagustuhang madarang
Ng alab ng pait
Tarheta ng Diyos aking naiwala
Nguni’t kung ako’y Kanyang matatagpuan
Walang atublili akong palilinlang.
No comments:
Post a Comment