Wednesday, March 10, 2010

Bulakenya, kababayan ni Balagtas (mula sa 2009)


Sa pagsala sa pag-ibig
Ako'y humilig
Sa iyong brasong makisig

Hindi inakala
Na matatagpuan
Minimithing kanlungan

Sa aking paghimlay
Pagmamahal mo ang taglay
Pag-unamwang tunay
Huwag sanang papanglaw

Kailan mabubwag
Karamdamang huwad
Na nagsanla ng katahimikan
Ng pusong sinugatan
Ng isang daang taong hidwaan

Kailan susuko ang
Mga hukbo ng pag-ibig
Sa tunay na umiibig

Kung walang hanggan ang katapat
Walang atubili
Itong hihintayin.

No comments:

Post a Comment