Friday, May 1, 2015

Alaala sa Himpapawid



Kunsabagay
Ginuhit sa palad
Ng Maykapal
Aking tadhana
Nakaukit sa Kaniyang
Alaala
Aking hinaharap
Sa paglagas ng mga araw
Sa puno ng buhay
Pag-asa ay nag-uumapaw
Lumbay ay umaagos
Natitinag ng pananampalataya
At paniwalang
Ang bukas ay sisikatan ng pagsulong
Sanggol, ngayo’y ganap na
Isang nilalang ng Poon
Para sa paghabi
Ng kasaysayan
Itutulak ang mga araw
Patungo sa kasarinlan
Ng kapayapaan
Bakit hindi
Gaganapin ang moro-moro
Ikukubli
Katotohanan
Bago ibunyag
Upang palayain
Mga kaluluwang
Sabik sa Tagapagligtas
Tungo sa langit
Lilipad sa himpapawid
Mga kamalayang hinubog
Sa kadalisayan
Bago dumapo
Sa mundong makasalanan.

No comments:

Post a Comment