Paano malalaman
Ang haplos ng tamis
Sa mga labing uhaw
Kung pait ay di pangkaraniwan
Di dumadampi
Sa unos ng pagsambit
Ika’y hangad
At pait ay pangkaraniwan
Kaibigang matalik
Ng pusong di pa natuto
Sa pagsukob ng sakit at hapdi
Ika’y hangad
Isang banyaga
Sa bayan ng mga umiibig
Ng mga banyaga
Sino ka na dumalaw
Sa dapithapon ng pagtatangi
Ito nga
Ikaw nga ay itinatangi
Ngunit ang bagay na ito
Sa iyo’y kubli
Ika’y hangad
Banyaga sa panlasa
Kakambal ng tamis
Sa mundo ng pait
Sa pagbukadkad ng araw
Sana ika’y hahanapin
Sa halip na luha
Tuwa ang iyong bitbit.
No comments:
Post a Comment