Sa bisperas ng pagkamulat
Hindi nila ako magising
Sa bangungot sa aking piling
Hindi pinangarap
Maging bulag habambuhay
Ngunit kay hirap
Idilat aking mga mata
Ikaw na itinangi
Ikaw na inasam
Nasa harap ko
Walang pag-aalinlangan
Ngunit di makahakbang
Di masambit
Mga katagang nagmamay-ari
Ng aking pagnanasa
Paano pupunta sa iyo
Binigkis ng takot ang aking puso
Baka kung kalian ika’y nakapitan na
Tsaka ka maglalahong parang bula
Nais ko lamang, iyong yakapin
Sabihin
Walang dapat ikatakot
Pagka’t itong pag-ibig
Ay mas makapangyarihan sa poot.
No comments:
Post a Comment